FILIPINO 101 by Tiffany Agustin

1.Mikhaynayan – microbiology; isang natural na agham ukol pagaaral sa miktataghay o microorganism.

Halimbawa:

Nakahiligan ni Eistein ang pagaaral ng mikhaynayan dahil marami siyang gustong malaman tungkol sa mga miktataghay.

2.Mulatling Haynayan – molecular biology; pagaaral ng mga istruktura at tungkulin ng mulatil o molecule sa mga nabubuhay na organismo

Halimbawa:

Bata pa lamang ay paborito na ni Jose ang haynayan, at ngayon, isa na siyang palabaga na naimbita na magsalita sa susunod na Philippine National Health Research System Week.

  1. Palapuso – cardiologist; isang dalubhasa ng palapusuan o cardiology

Palabaga – pulmonologist; isang dalubhasa ng palabagaan o pulmonology

Paladiglap – radiologist; isang dalubhasa ng paladiglapan o radiology

Halimbawa:

Nakuha mo na ba ng resulta ng iyong rayos-ekis sa paladiglap?

  1. Kagaw – germ; mga miktataghay na nagdudulot ng sakit

Halimbawa:

Karamihan ng patalastas sa telebisyon ngayon tungkol sa alkohol ay nangangako na pupuksa sa siyamnapu’t siyam na pursyento ng mga kagaw.

  1. Sihay – cell; ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organismo

Halimbawa:

Isinali ni Melchor ang kanyang saliksik tungkol sa hatimbutod o mitosis ng mga sihay sa susunod na National Medical Writing Workshop na gaganapin sa Zamboanga.

  1. Muntilipay – platelet; mga selula o sihay na may mahalagang papel sa pagpagaling ng mga sugat na dumadaan sa daluyan ng dugo

Halimbawa:

Nalaman nilang may dengue si Maria nang magpositibo siya sa resulta ng Biotek-M Dengue Aqua kit, at nalaman ding bumabagsak na ang bilang ng kanyang muntilipay.

  1. Kaphay – plasma; isang bahagi ng dugo na ang pangunahing trabaho ay ang transportasyon ng mga ensyma, nutrisyon, at hormona

Halimbawa:

Itinuturing ng World Health Organization ang kaphay ng dugo na kabilang sa listahan ng mga pinakaimportanteng gamot na kailangan sa isang matagumpay at organisadong sistemang pangkalusugan.

  1. Iti, daragis, balaod – tuberculosis; impeksyon sa baga na nagmumula sa isang uri ng ishay o bacteria, ang Myobacterium tuberculosis

Halimbawa:

Ang TB-Fit ay isang programang naglalayong subaybayan ang mga kaso ng iti sa mga komunidad upang makagawa ng sistematikong solusyon sa deteksyon ng naturang sakit.

  1. Sukduldiin, altapresyon – hypertension; isang medikal na kondisyon kung saan ang presyon ng dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas

Halimbawa:

Ayon sa pagaaral ng Unibersidad ng Pilipinas-Maynila, may malaking papel ang hene o genes sa pagkakaroon ng karamdaman tulad ng altapresyon, sakit sa puso, at dyslipidemia.

  1. Mangansumpong – arthritis; ang pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito

Piyo – Gout; isang uri ng mangansumpong o rayuma na dulot ng abnormal na metabolismo ng uric acid.

Halimbawa:

Ayon sa Philippine Rheumatology Association, noong 2015, mahigit kumulang 1.6 milyong Pilipino ang may piyo na labis na nakakaapekto sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.

10 .Balinguyngoy – nosebleed; pagdurugo ng ilong

Halimbawa:

Madalas na sinasabi na nakakadulot ng balinguyngoy ang labis na pagsasalita ng Ingles, pero sa katotohanan, ang pagkatuyo ng bamban o membrane sa loob ng ilong ang kadalasang sanhi nito.

One thought on “FILIPINO 101 by Tiffany Agustin

Leave a reply to ecalovely Cancel reply

Design a site like this with WordPress.com
Get started