1.Mikhaynayan – microbiology; isang natural na agham ukol pagaaral sa miktataghay o microorganism.
Halimbawa:
Nakahiligan ni Eistein ang pagaaral ng mikhaynayan dahil marami siyang gustong malaman tungkol sa mga miktataghay.
2.Mulatling Haynayan – molecular biology; pagaaral ng mga istruktura at tungkulin ng mulatil o molecule sa mga nabubuhay na organismo
Halimbawa:
Bata pa lamang ay paborito na ni Jose ang haynayan, at ngayon, isa na siyang palabaga na naimbita na magsalita sa susunod na Philippine National Health Research System Week.
- Palapuso – cardiologist; isang dalubhasa ng palapusuan o cardiology
Palabaga – pulmonologist; isang dalubhasa ng palabagaan o pulmonology
Paladiglap – radiologist; isang dalubhasa ng paladiglapan o radiology
Halimbawa:
Nakuha mo na ba ng resulta ng iyong rayos-ekis sa paladiglap?
- Kagaw – germ; mga miktataghay na nagdudulot ng sakit
Halimbawa:
Karamihan ng patalastas sa telebisyon ngayon tungkol sa alkohol ay nangangako na pupuksa sa siyamnapu’t siyam na pursyento ng mga kagaw.
- Sihay – cell; ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organismo
Halimbawa:
Isinali ni Melchor ang kanyang saliksik tungkol sa hatimbutod o mitosis ng mga sihay sa susunod na National Medical Writing Workshop na gaganapin sa Zamboanga.
- Muntilipay – platelet; mga selula o sihay na may mahalagang papel sa pagpagaling ng mga sugat na dumadaan sa daluyan ng dugo
Halimbawa:
Nalaman nilang may dengue si Maria nang magpositibo siya sa resulta ng Biotek-M Dengue Aqua kit, at nalaman ding bumabagsak na ang bilang ng kanyang muntilipay.
- Kaphay – plasma; isang bahagi ng dugo na ang pangunahing trabaho ay ang transportasyon ng mga ensyma, nutrisyon, at hormona
Halimbawa:
Itinuturing ng World Health Organization ang kaphay ng dugo na kabilang sa listahan ng mga pinakaimportanteng gamot na kailangan sa isang matagumpay at organisadong sistemang pangkalusugan.
- Iti, daragis, balaod – tuberculosis; impeksyon sa baga na nagmumula sa isang uri ng ishay o bacteria, ang Myobacterium tuberculosis
Halimbawa:
Ang TB-Fit ay isang programang naglalayong subaybayan ang mga kaso ng iti sa mga komunidad upang makagawa ng sistematikong solusyon sa deteksyon ng naturang sakit.
- Sukduldiin, altapresyon – hypertension; isang medikal na kondisyon kung saan ang presyon ng dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas
Halimbawa:
Ayon sa pagaaral ng Unibersidad ng Pilipinas-Maynila, may malaking papel ang hene o genes sa pagkakaroon ng karamdaman tulad ng altapresyon, sakit sa puso, at dyslipidemia.
- Mangansumpong – arthritis; ang pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito
Piyo – Gout; isang uri ng mangansumpong o rayuma na dulot ng abnormal na metabolismo ng uric acid.
Halimbawa:
Ayon sa Philippine Rheumatology Association, noong 2015, mahigit kumulang 1.6 milyong Pilipino ang may piyo na labis na nakakaapekto sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.
10 .Balinguyngoy – nosebleed; pagdurugo ng ilong
Halimbawa:
Madalas na sinasabi na nakakadulot ng balinguyngoy ang labis na pagsasalita ng Ingles, pero sa katotohanan, ang pagkatuyo ng bamban o membrane sa loob ng ilong ang kadalasang sanhi nito.
ctto:respective person(unknown)
LikeLike